Not so ordinary Tuesday
1pm. Di natuloy na paggawa ng Case study.
At dahil nanaman sa isang mabilisang desisyon, kami ay nagkasundo na magpunta sa Binondo para kumain ng tanghalian. Effort?
Medyo nakakabusog lang ang Porkchop w/ tossed noodles at fried dumplings sa Tasty :)

At dahil katabi lang nya ang simbahan, binisita din namin.

Naglakad-lakad para bumaba ang kinain at para maghanap din ng bilihan ng case ng phone. Sa kasamaang palad, napadpad na kami sa Divi, di pa rin namin nahanap.
Nung pasakay na, di ko alam kung saan nakakuha ‘tong si Agnes ng idea na magpunta ng MOA. o sya sige, gora lang. sumakay kami ng jeep, bumaba sa may LRT station sa recto, naglakad pa-Quiapo, sumakay pa-MOA.
Nag-Fullybooked at National bookstore, di ko naman nahanap yung hinahanp kong libro. Atsaka wala na bang Powerbooks dun? wala na sa dating pwesto eh.
Malapit-lapit ng magsunset na napagdesisyunang mag-CBTL. Tambay with magandang view daw kasi. Tsaka medyo gusto ko magamit ang Swirl card :))

Sa ika-nth time, nagpalit nanaman po ako ng case.
Nagtweet ako na natutuwa ako sa bagong case kasi parang yelo (itsura at texture).

7pm. labas nalang daw, para nga maiba naman.
Tsenen.. ang MOA eye na di kumpleto ang ilaw. ganyan ba talaga yan lagi?

9pm. Nakarating ng dorm. ang tagal ko ma-blog dahil daig pa ng pagong ang connection ko ng internet. ehem *Sun Broadband*
*Pasensya sa kalidad ng mga larawan.*
Ok, bukas gagawa na talaga kami ng case study. totoo na.





















