kanan
















Bookstore Hopping.
Ilang linggo na rin nagpaparinig si evil brother ng “Wala na akong mabasa”. Nagrerequest kasi na bilhan ko daw sya ng set ng Percy Jackson. Kaya kaninang tanghali, nagpunta ako sa mall para maghanap. Apat na bookstores sa dalawang mall ang napuntahan ko pero wala nung set. Kaya tig-iisa nalang yung binili ko. at dahil alam na nya yung kwento ng book 1, yung 2-5 nalang ang binili ko. atsaka yan din kasi yung katumbas ng price nung set :)) #Officiallybroke

Nagtingin din ako ng lagayan ng accessories sa Daiso. Ang arte ko lang. Nakakapikon din kasi tignan yung kalat eh.
Organized na. HAHAHA

Bumisita din sa CBTL, sakto may Bluprint kaya medyo basa muna, kuha-kuha ng ideas.
Tapos medyo nagcanvass ng video card at memory. Kaylangan ko ng matinong specs pangrender. Any ideas?
Yung sinuggest kasi sakin medyo nakakalula yung presyo. Ganun ba talaga? :))
Ayun lang, mamaya SUPER THESIS MODE NA TALAGA. Pag wala ng tao dito sa bahay. Mas feel ko yung walang nakatingin habang gumagawa eh. ARTE.
Late dumating sa Design Discussions ng Heima. Salamat sa matagal na pag-aantay ng sasakyan. 4pm na ata nakadating (1:30 ang start). Buti may naabutan pa. :)

LRI Design Plaza. (Located at N.Garcia St.) Ang cool ng street na ‘to, sunod-sunod yung mga Showroom for Interior design.








Ang panapos ng araw. CHICKEEEEEN!

Ok, last event for the rest of the Christmas vacation. Must focus on thesis. (weh?) :)) KAYLANGAN.